jayson
General Information

Main blog:Life's existence
Age:23
Birthday:July 24th 1984
Gender:Male
Occupation:Self-Employed
Education:High school, Some college, School of life
Religion:Christianity
Service Attendance:More than once a week
Race/lineage:Asian
Location:Philippines, Baguio City
Friendsterhttp://www.friendlyjayson.tk


Contact Information

Email:
Yahoo:


Appearance

Body Size:Athletic
Height:5' 2" (157 cm)
Eyes:Brown
Vision:No assisted eyewear
Hair Color:Black
Hair Style:Military Cut
Facial Hair:Mustache - Short
Skin Tone:Medium Brown
Best Feature:Hair
Clothing Pref.:Practical
Undies:Briefs


Personal Information

Relationship Status:Single - Never Married
Family Info:My Family Mr.Manuel de Lemon Sr. Batid ng lahat ng nakakakilala sa papa ko ang kanyang likas na pagiging mabait, mapagmahal at marunong makipagkapwa. Isang mabuting ama ang papa ko batid ko dahil hindi man nya masabi sa amin ang pagmamahal nya sa amin ay kanya namang ipinakikita at ipinararamdam ito. ang papa ko ay mas madali kong maididiscribe bilang isang tahimik at hindi makasalita ngunit malalim kung susumahin. May mabuting kalooban at pagmamahal sa pamilya. Sa kasalukuyan, dahilan upang ipakita ang pagiging responsableng padre de pamilya kahit na may dinaramdam sa kanyang kalusugan ay pilit pa ring kumakayod bilang operator ng isang printing press. Thats my Papa! Mrs. Erlinda de Lemon "World's Greatest Mom" Pinakamahalagang babae sa buhay ng apat na lalakeng de lemon.Di matatawaran ang pagiging isang responsableng ina "mother of all times" ika nga.Huwarang ina na handang itaya ang buhay alang alng sa pamilya.Babaeng matatag at hindi matitinag laban sa maga problema.Taong may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa. Mrs. Erlinda de Lemon! Sa katotohanan isa sa pinakamahalagang tao sakin ay ang aking ina, ina na nagbigay ng buhay at bumuo ng aking pagkatao sa pamamagitan ng pagaruga sakin mula ng akoy ipinanganak nagkaisip at nagkaroon ng pakapak.Ina na nagpaunawa ng tunay na kahulugan ng buhay na ang buhay ay hindi puro pasarap kundi kailangan din ng sakripisyo upang matugunan ang panganga ilangan sa buhay man o sa kaligayahan. Madalas niyang sabihin na hinding hindi ko makakalimutan ay ang mga katagang " Totoy, lahat ng hirap na dinadaanan ko ay para sa inyo, para makaahon, makapagaral, magkaroon ng magandang kinabukasan, at mabigyan kayo ng magandang buhay." Sa mga katagang yan labis nyang ipinaramdam sa amin ang kanyang pagmamahal bilang ina, ang pagiging responsable higit pa sa inaasahan naming mga anak. Si mama ay masasabi ko ring larawan ng isang babaeng matapang na handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Noong bata pa ako ilan sa mga naalala ko ay ang pagtatanggol nya samin laban sa mga nangaapi sa amin, sa paaralan, kapitbahay at sa mga taong nasa paligid. Hindi niya hinahayaang masaktan ni isa man sa amin. Si mama rin ang masasabi kong may mababaw ngunit may malalim na kaligayahan.Isa sa mga halimbawa nito ay ang kaligayahan nya sa mga oras na nakakatanggap kami na karangalan. Kung sabagay ito nga lang naman ang pinaka mahalagang maaari naming maipagkaloob sa kanyang " Karangalan". Sa kabuuan, kung susumahin si Mrs. Erlinda de Lemon na aking ina para sa akin ay larawan ng isang perpektong ina na maari kong ipagmalaki bilang isang "Mother of all Season" Sa kasalukuyan, upang patuloy pa ring matugunan ang pangangailangan ng pamilya, si Mama ay masipag na nagtitinda ng isda sa palengke dito sa Baguio. Nagtitindda rin sya ng kakanin bilang sideline upang upang may pangkunan ng iba pang gastusin. Lahat ng itoy matatag nyang ginagawa para sa amin, Lalo na sa aking kalagayan na labis kong ipinasasalamat dahil isa siya sa nagbigay at nagdudugtong sa buhay ko at patuloy na inaalalayan upang makabangon ako at magpatuloy sa aking buhay. Thats my Mom! Mr. Emerson de Lemon "Kuya" May mataas na pangarap, may ipagmamalaki, at may talino kakayahan at abilidad sa buhay.Graduate ng economics, nakapasa sa ibat-ibang pagsusulit pangpropesyonal.nagtrabaho at maagannatutong sumuporta sa sarili at tumulong sa pamilya. Yan ang kuya ko! Noong mga bata pa kami madalas hindi kami magkasundo dahilan sa syempre bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang ugali na kontra bawat isa. Syempre sabi nga nila pare-parehong matatalino, pare-parehong magagaling, pare-parehong ayaw magpatalo kay pare-parehong napapalo! Sya ang panganay samin at ako naman ang pangalawa na pilit na naghahangad na mapantayan at malampasan sya ngunit batid kong hindi ko kaya dahilan sa di ko kayang magakto bilang pangalawang ama sa pamilya na tulad ng gingawa nya. Lam nyo ba na nagpapasalamat ako sa kuya kong ito dahil isa sya sa nagsakripisyo sa akin noong ako ay nakaratay sa sakit?Alam ko na mahirap para sa kanya na itaya ang sahob niya mula sa kanyang pinagtratrabahuhan para lamang maipangsuporta sa gamot ko at iba pang pangangailangan. Sayo Kuya, Maraming salamat! Thats my Kuya! Mr.Manuel de Lemon Jr. "bunso" Pinakabunso sa magkakapatid ngunit nauuna sa pagiging maabilidad sa pagiging madiskarte. Alam nyo ba na marami ng gamit sa bahay ang nasira ang aming bunsong kapatid? dahilan yan sa abilidad nya sa pagkutingting na nakikinita namin na magiging isang magaling na teknisyan sya balang araw. Sa aming magkakapatid iyang si Emman naman ang hinahangaan ko sa kanyang pagiging masipag. Alm nyo kasi yang si emman ang gumagawa at nagtratrabaho sa loob ng bahay



Copyright © 2003 - 2004 NeverX All rights reserved.
Tag board Rules     Privacy policy     Terms of Service