Saan ka darating?
Sa wakas ikaw ay malaya na. Lahat ay masaya. Ikaw lang ang lumuluha. Siya din kaya? Mahalaga ba kung pati sila?
Hindi nabibili lamang sa vendo ang ganong klaseng pagtitinginan. Muli ka na namang kumawala. Pagka-makasarili ba itong matatawag o kaduwagan? Dati nama'y nagtiwala ka na. At alam mong walang kasing-saya noong ikinahon mo ang takot at duda. Lumikot na naman ba si Pandora? Muli ka na namang nagsisisi na hindi mo nagawang makipagbunong braso sa kalaban. E ano naman ang ubra mo sa kanyang lagda? Lalong lalo na sa titig ng kanyang mga mata, nagsasabing hindi...
Pasaway
Magandang umaga. Simula ngayon tayo na muli ang magkakampi. Ikaw na ang kasa-kasama sa aking pagka-aligaga. Walang masama kung lahat sila mawala. Hindi ka ba natutuwa na nasupil natin ang takot na mag-isa? Masanay ka na. Hindi mo pa ba nararamdaman? O ikinakaila mo lang? 'Yan ka na naman at puro ka katanungan. Hayaan mo na lang anurin ka kung saan.